Just another Blog.com weblog

BAG[ahe]

Nov 3, 2010 akosigrade5 | talaan

Katatapos ko lang linisin ang mga inaagiw kong mga gamit.

Ilang buwan ko ding hindi hinarap ang paglilinis ng mga kalat sa loob ng aking mga bag, drawer, locker at kung saan-saang naka-imbak, patong at pwedeng paglagyan ng mga hiwa-hiwalay, magkakasamang nakatuping papel, naka-plastic, naka-ipit sa planner, notebook, tickler.

Oo, maging ang nakalagay na mga wrapper ng pinagkainang cookies, whattatops, tissues, papel, ticket sa bus, plastics atbp sa side pockets ng bag ko, natanggal na rin.hehe

Sa kung anong dahilan kung bakit hindi ko nagawang linis ito (kahit lagi ko namang dala-dala ang bag ko) hindi ko na maalala ang eksaktong dahilan kung bakit. Basta ang naaalala ko na lang, marami akong ginawa at kapag nagtanggal ako ng gamit sa bag, tiyak na may maiiwanan at malilimutan ako.

Nabawasan na rin ang bigat ng dala-dala kong BAG[ahe] sa mga susunod na araw.

O yeah!

keroppi

Oct 29, 2010 akosigrade5 | talaan

Bigla kong naalala na nagkokolek ako ng ganyan dati. :)

Bihira na ako makakita ngayon ng keroppi sa mga store ee.

Sana may mag-donate sa akin ng kerokerokeroppi na mga gamit. <3

Salamat in advance! :)

Oda ng pamamaalam

Oct 28, 2010 akosigrade5 | mga tula, talaan

Hindi lamang ito

ang unang pagkakataong

tayo’y mamamalam sa isa’t isa.

Hindi din ito

ang unang beses

na tayo’y nagkalayo.

Marahil

Ito na ang mas matagal nating pagkakawalay.

At sa pagkakataong ito

Magkikita tayo sa bawat ngiti

ng ‘di kakilalang nakakasalubong.

Magtatagpo tayo sa bawat pagsalubong

ng alon sa alon.

At gayundin, hindi magsasawa

ang hangin sa aking pakisuyo

na iparamdam ang mainit o malamig na pagsinta.

Hindi ito

ang magiging

huling yugto

ng

ating

pagkikita.

Ito ang simula

ng

muling pagsasamang

hindi isla ang pagitan.

Departure Area

Oct 28, 2010 akosigrade5 | mga tula, talaan

Mamaya na ang alis niya.

Ito na ang huling pagkikita.

Kakaiba ang magiging pamamaalam kumpara sa dati.

Akala ko

Kabisado ko na ang arte sa pamamaalam.

Ang mga tampok na eksena ng hatid-sundo sa airport,

ang pagkumpas ng kamay habang hinahatid ng tingin

ang bawat yabag papasok niya sa trangkahan ng pinto,

ang walang katupsang pagyapos at paghalik

sa pagsasambit na

“maghihintay ako”, “hintayin mo ako”.

Pero iba ang magiging eksena mamaya.

Ibang iba kumpara sa dati.

Photo courtesy: Anna V

Walang burador sa tunay na buhay

Oct 27, 2010 akosigrade5 | talaan

Ang kapangyarihan ng isang manunulat sa kaniyang likhang kwento kumpara sa reyalidad, ay maaari niyang i-edit ito. Abutin man ng ilang burador, siya ang magtatakda sa kung anumang obra ang kaniyang naisin.

Oktubre 2010*

Oct 8, 2010 akosigrade5 | Uncategorized

Ito ang buwan kung kailan ako ipinanganak.

Sa ngayon, hindi ako nakakaramdam ng matinding excitement. Bagkus, matinding pressure at medyo worried. (Tatanda na naman kasi ako.haha)

Bukod sa magbBday ako, parang medyo mahaba-haba para sa akin ang buwan na ito. Mantakin mo ba namang, 31 days ang month na ito na may limang sabado at linggo. Amazing diba?

At kahit na hindi ko naipost ito noong October 1 (BIG DAY ang tawag ko tuwing sasapit ang unang araw ng buwan) sinelebreyt ko ito mag-isa. Sa pinaka-simpleng bagay na alam ko. Alam mo kung paano? Haha. Ni-greet ko ang sarili ko ng “Happy Big Day, Anna!” LOL. Seryoso, naging masaya ako noong mga minuto na iyon. Swear. Peksman, mamatay man.

Masaya na ako noon. Kahit, walang nakaalala. Char. Ako lang naman kasi ang nakakaalam na nagce-celebrate ako ng BIG DAY sa loob ng ## years ko sa mundong earth.

At kahit ilang araw na lang din ang natitira bago sumapit ang Bday ko, meron akong inihandang 31 bagay na gusto kong gawin at mangyari. J

Pre-bday

  • Ma-fulfill ko ang preps ng NC Meet at 1st National Convention ng LFS. +cross finger+ At sana, maging successful ang output nito. J(Quantitative and Qualitative)
  • Sa kabila ng hectic sked para sa preps ng LFS events, sana maipwesto ko kahit isang araw na makasama ako sa pangangampaniya para sa kapatid kong tatakbong SK Chair. Sasama pala ako kapag magfi-file na siya. Ngayong sabado. Good Luck!
  • Makabili ng 1 month supply na gamot ni dada.
  • Mag-videoke with friends. Sila lang naman ang kakanta. Makikinig lang ako.haha
  • Makita (kahit ilan) sa elementary, HS, college (bawat school na pinasukan ko) at AC friends ko. Pwede naman araw-araw iba-iba silang imeet ko depende iyon sa skeds ko. Tapos, i-cash niyo na lang ang regalo niyo ah? Para makabili ako ng stuffs na kakailangan ko para sa Org. hehe
  • Magkwentuhan sa walls tapos kumain ng masarap na sisig kasama ang mga bibi ko. O kaya, manuod ng P16 na sine. Kahit anong movie, tapos maraming chicha at drinks, shoot na yun! Tapos, update-an parang Dispo Check. Itigil ang mga pasabog. LOL
  • Makuha na kay Tsong Ed ang ibibigay niya sa akin na compilation ng mga tula ni Romulo Sandoval. Can’t wait. Maraming salamat ulit! Gayundin, sana maibalik na sa akin ang nawawala kong MUOG na libro. L please, paki balik na. Regalo sa akin yun ng mami ko. L
  • Think positive. Sana positive (positive na positive, hindi, positive na negative). +Sigh. Sana+
  • Makapiling ang mga magsasaka. Bubugbugin ng aming mga kamao ang hangin mula DAR hanggang Mendiola.
  • After ng mob, sana kasama ko taong minamahal ko para salubungin ang bday ko.

Actual date

  • Sana at dapat STRESS FREE DAY.
  • Sana at dapat HAPPY.
  • AYOKO ng may kaawaymang-aaway.
  • Naka-dress ako sa araw na ito. Huwag kang magulo.
  • Eksaktong 00:00mn gusto ko kumain ng 1 choco slice, 1 sprite in can at isang donut.
  • Pwede din merong MONSTER PIZZA. Party slice. Tapos  dapat maubos na ang kahalati ng pizza bago ito lumamig. Haha.
  • Pagtapos kumain, manuod ng Harry Potter or Toy Story. Sana hindi ako makatulog habang nanunood.
  • Sana makatulog ako ng 10-12hours. Oyea. Namiss ko ang tulog na ganitong kahaba.hehe yung tipong napuyat ka kakatulog.haha.
  • Makakwentuhan ang mahalagang tao, habang inaantay ang sunset sa OVERLOOKING. Tapos, kunwari giginawin ako. Chos!
  • Makasama sa hapunan ang buong pamilya ko.  Ilang taon ko din silang hindi nakakasamang mag-celeb. Laging pre o post bday ko nagaganap iyon.

Post bday

  • Kung hindi pa tapos ang electoral campaign, joiner ako kahit ilang araw na lang ang natitira bago mag-election.
  • Kakabahanmate-tense sa result ng SK election. Hehe. Panigurado yan.
  • Makasama si bunso sa Bday niya. (magreregalo pa ba ako?haha, aaah. Hindi? O sige, hindi nalang.haha)
  • Makabonding ang new group mates. Promise. Hindi ako magsusungit at mangaaway. Haha. Makikitawa na rin ako sa mga pinaguusapan niyo. :p
  • Sana mabili ko na yung Sandugo na tsinelas at Converse na Pink/Violet/Red.
  • Sana makahanap na ako ng swak na size na Saucony na Pink.
  • Magpa-full body massage at facial. LOL. Ang vain lang.haha. (Shing, ikaw ang sponsor nito.LOL)
  • Makapag-ready na para sa bakasyon ko.
  • Magready para sa mga upcoming na pasabog sa opening ng 2nd sem. OYEA!
  • Magpapaalam na kay KISLAP </3. Oh, no. parang ayoko atang mag-let go. Nagkaka-krisis talaga ako kapag iniisip ko ito.

INTPs are quiet, thoughtful, analytical individuals who don’t mind spending long periods of time on their own, working through problems and forming solutions.

INTPs tend to be less at ease in social situations and the ‘caring professions,’ although they enjoy the company of those who share their interests. They also tend to be impatient with the bureaucracy, rigid hierarchies, and politics prevalent in many professions, preferring to work informally with others as equals.

INTPs’ extraverted intuition often gives them a quick wit, especially with language, and they can defuse the tension in gatherings by comical observations and references. They can be charming, even in their quiet reserve, and are sometimes surprised by the high esteem in which their friends and colleagues hold them.

Trait Explanations

In order to interpret your raw trait scores, they were compared to the first 350,000 people to complete the full MyPersonality Big Five questionnaire. This allows the way that you described yourself to be put in the context of how other people respond to the questionnaire. You should remember that there are no fundamentally good or bad personalities, as each trait description has potential advantages and disadvantages.

Openness

This trait refers to the extent to which you prefer novelty versus convention. Approximately 88.5% of respondents have a lower openness raw percentage than yours. From the way you answered the questions, you seem to describe yourself as someone who is far more intellectually curious and sensitive to beauty than most. You might say that your beliefs are individualistic and frequently drift towards the unconventional, and that you enjoy your imagination and the exciting places it takes you!

Conscientiousness

This trait refers to the extent to which you prefer an organised, or a flexible, approach in life. Approximately 24.2% of respondents have a lower conscientiousness raw percentage than yours. From the way you answered the questions, you seem to describe yourself as someone who is spontaneous and fun, and that you like to do unexpected things that make life that bit more interesting. You might say that you aren’t completely unreliable, but you’ve been known to slip up on occasion.

Extraversion

This trait refers to the extent to which you enjoy company, and seek excitement and stimulation. Approximately 34.5% of respondents have a lower extraversion raw percentage than yours. From the way you answered the questions, you seem to describe yourself as someone who prefers low-key social occasions, with a few close friends. You might say that it’s not that you are afraid of large parties; they’re just not that fun for you.

Agreeableness

This trait refers to the way you express your opinions and manage relationships. Approximately 0.4% of respondents have a lower agreeableness raw percentage than yours. From the way you answered the questions, you seem to describe yourself as someone who is willing to make difficult decisions when necessary, and will point out when something is wrong no matter what other people might feel. Your responses suggest that you would say that you can be tough and uncompromising.

Neuroticism (Emotional Stability)

This trait refers to the way you cope with, and respond to, life’s demands. Approximately 94.5% of respondents have a lower neuroticism raw percentage than yours. From the way you answered the questions, you seem to describe yourself as someone who tends to be more self-conscious than many. Based on your responses, you come across as someone who can find it hard to not get caught up by anxious or stressful situations. You might say that you are in touch with your own feelings.

Paalam

Aug 8, 2010 akosigrade5 | Uncategorized

Kubol

Aug 2, 2010 akosigrade5 | mga tula


Hindi tayo iskwater kaya tayo nagtayo ng kubol.

Kung sa kanila’y

ito ay sagabal sa bukana ng sityo;

Oo!

Walang pagtutumangging

tayo ay HUMAHADLANG

sa pagpapalit-gamit sa lupa.

Kung sa akala nila’y

tayo ay hindi pabor

sa pagbibigay ng Certificate of Land Ownership;

Oo!

Lalo’t higit, dahil

ito ay huwad, mapanlinlang at para lang sa iilan.

Kawayan, streamer, sako’t tolda.

Ikaw, ako, tayo.

Pangarap. Pag-asa.

Buhay. Lupa.

Karapatan.

Kinabukasan.

Paninindigan.

Prinsipyo.

Ilan lang ito sa mga mahahalagang

bagay sa pagtatayo ng kubol

Hindi lang sa Hacienda Yulo, kundi sa buong Pilipinas.

Hindi tayo iskwater kaya tayo nagtayo ng kubol.

Hindi tayo iskwater!

Bawiin na ang lupa sa mga Panginoong May Lupa!

31 Hulyo 2010

Sitio Buntog, Calamba, Laguna

Ang mga larawan ay mula kay: Prof. Sarah Raymundo

sulat

Jul 12, 2010 akosigrade5 | talaan

Pwede ba, bigyan mo naman ako ng pagkakataong makapiling at masolo ka.

Argh. Gusto ko magsulat. makatapos ng isang tula o kwento.

Hindi ko alam kung paano kita maipwepwesto sa mga ganitong skeds.

Pahina

pahina Isulat mo dito ang ating kwento.

Categories

Kalendaryo

May 2012
M T W T F S S
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Archives

Categories

Blogroll